Wednesday, September 22, 2010

mais,mais,mais(corny,corny,corny)

Sorry ,magpapaka-mais ako dahil...
 
Foundation Week sa UE---ibig abihin after work,wala akong papasukang classes!Yes!
 
Hindi ako masyadong stressed sa trabaho lately,iniisip ko nga dalawang bagay lang yun: either gamay ko na  o wala ako sa mood ma-stress. Oo, sige mag-react ka. Pero para sa akin, may right mood para ma-stress.
 
Anyway,ang post nga na ito at tungkol sa mga ka-mais-san (o,second warning ko na'to)
 
Ako yung tipo ng taong hindi mabilis ma-inlove. Madaling magkagusto, oo. Andami ko kayang crush. Pero love?hindi ako ganun kabilis mag-fall. Minsan nga gusto ko na mainggit sa mga taong,kaka-break lang,may jowa na ulit. Ang malupit pa dun, friends pa sila ng ex niya at friends din sila nung ipinalit ng ex niya sa kaniya.
 
Naisip ko,imposibleng walang rason diba?Kaya matapos ng madugong pag-aanalisa, ito ang mga naisip kong dahilan:
 
1.) Voracious Reader ako- madalas advantage ko 'to lalo na sa school. Pero pagdating ata sa love, kabaliktaran.
Noong elementary ako, ako yung tipo ng estudyante na bago pa magpasukan, tapos na basahin yung textbook namin. Yung sa English at Filipino lang ha?HIndi ko pinakikialalaman yung Math at Science. Kaya pagdating ng pasukan, naghihiram na ako ng libro sa ma mataas ang level kaysa sa akin. Tipong grade 5 ako, pang-grade 6 na ang kina-careeer ko. Dahil public school,walang kuwenta yung library namin, pero nung magka-mini library kami sa loob ng classroom noong grade 6,ni hindi ako kumakain halos pag recess, puro basa lang ang ginagawa ko.
 
Nahilig pa ako nun sa fairytales. Mula kay Hans Andersen hanggang sa Grimms', tinutukan ko. Naniwala ako kay prince charming, sa bonggang kastilyo at sa ideal na happy-ending. Kung  yung iba kong kaklase, nagpapansin sa crushes nila, ako, mas enjoy magbasa kaysa lumandi. In short bagets pa lang, mas lamang na ang IQ kaysa EQ.
 
Noong high school naman, mas lumala. Nabarkada kasi ako sa mga nerds at studious na nilalang. Kumabaga, sa Catholic School na pinsukan ko, kami lang nung mga tropa ko yung hindi pa nakakatikim ng yosi at alcohol...at oo, pati sex na rin siguro. Madalas kami sa library, at hindi puwedeng lalabas ako na walang  take-home na libro. Yung library card ko nun, harap at likod, punuan. Madami akong crush pero hindi ako interesadong makipag-relasyon. Pag may nanliligaw, deadma lang, madalas pa nga sinusungitan ko. Sa utak kong teenager, anong panama ng mga immature at awkward kong mga kaklase sa tikas ni Edward Rochester sa "Jane Eyre"  o sa abilidad ni Harry Pottter? Sa mundo ng mga librong binabasa ko, walang pimples ang mga bida, hindi baduy pumorma at kung diskarte rin lang, taob ang kinse o disi sais anyos na wala pang napapatunayan sa buhay at nagwawala ang hormones.
 
Oo, alam kong maling mag-compare ng fiction sa totoong buhay. Pero teenager lang ako nun, malay ko ba?
 
Hanggang ngayon naman basta may time, mas gusto kong magbasa kaysa gumimik. Nagsa-suffer  pa din in comparison ang mga lalaking nababasa ko sa mga totoong lalaking nami-meet ko...minsan. Sa edad kong 'to malamang, alam ko na walang Edward Cullen sa totoong buhay diba?  nakaget-over na din ako sa Sexism na epekto ng fairy tales. Alam kong walang kastilyo, na hindi lahat ng babae, prinsesa. At higit sa lahat, ang prince charming ay subjective. Baka prince charming na 'to sa akin, pero sa iba ,palaka lang pala.
 
Alam ko din na malalim ang personalidad ng kahit sinong tao basta kilalanin ko lang..pero hindi katulad sa pagiging reader ko, bihira ang lalaking gusto kong basahin ng husto (romantically)..yung iba hanggang synopsis lang, yung iba nga title pa  lang...hindi na ako interesado.

 
2.) Idealist -karugtong ito nang pagiging mabangis na reader ko (naks!parang ang talino di'ba?pero chenez lang yan).  Idealist ako hindi lang dahil sa mga nababasa ko kundi dahil sa nag-iisang lalakeng kinagisnan ko habang lumalaki ako.----si Papa. Malayo sa pagiging perpekto si Papa, pero kung ang kakayahan magmamahal at mag-alaga  ang pag-uusapan ,ibang level siya. Again, ang mga kawawang lalake, nasa-suffer in comparison. Alam ko na iba ng pagmamahal ama sa pagmamahal sa jowa----pero yung devotion at pagka-unconditional na pagmamahal na kinalakihan ko...hinahanap ko sa ibang tao. Dahil yun ang pagmamahal na kingisnan ko, yun lang ang klase ng pagmamahal na alam ko.
 

Kung hindi mo kayang maging devoted at  naghihintay ka ng kapalit sa mga ginagawa mo, hindi pagmamahal yan. Pagnanasa lang.
 
3. ) Only Child Syndrome- Binanggit ko na ito sa ilang close friends ko, di ko sure kung nainintindihan talaga nila o nagpapaka-polite lang sila. Pag mag-isang anak lang, posibleng meron nito in varying degrees. Hindi po ito contagious disease o matinding mental problem. Behavioral condition 'to na pag mag-isang anak ka lang, ang tendency, mas mataas ang kagustuhan mong protektahan ang sarili mo against pain. Dahil nga only child, may awareness na hindi forever nandiyan ang parents mo. Ang malupit pa nito, wala kang ibang aasahan kundi sarili mo. Bawal maging mahina, bawal masaktan...o kung masasaktan man, umiwas na lang. At ano ba ang pinakamatinding source of pain?love di'ba?
 
Ayoko ng pakiramdam na may ibang taong in-control sa emotions ko. Oo masarap yung feeling na nasa cloud nine ka na, maka-holding hands mo lang yung mahal mo, lahat ng bagay masaya, ang mundo---mas makulay at gusto mo lahat ng tao kasing-inlove at kasing-saya mo. Pero nakadepende sa ibang tao, hindi lang kaligayahan ko kundi pati ang buhay ko. Paano kapag hindi nag-work? Saan ako pupulutin?Safe ang mundong iikot lang sa akin...
Matindi ang self-preservation. Kaya nga alam na alam ko kung kailan ako in-love. Dahil sa mga pagkakataong yun, wala nang syndrome-syndrome, nagiging normal na lumalanding babae ako.

 
4.) Past Experiences- Sino ba ang taong na-brokenherated na hindi dinamdam yun?Mas mahal mo, mas masakit. Mas masakit, mas mahirap mag-move on. Pero kahit alam kong hindi titigil ang mundo habang nag-eemote ako, super emote pa din. Ilang tula na ba ng ginawa ko para sa mga lalakeng minahal ko ng bongga?Yung iba nakarating sa kanila, yung karamihan, hindi. Oo, baduy na kung baduy. Pero sa love kaniya-kaniyang kabaduyan lang yan di'ba? Yung mga tulang yun, punung -puno ng angst, disappointment at pain. Minsan nakakatrauma ang rejection, ang pang-iiwan, ang iwanan at ang betrayal. Hindi ako naniniwala na yung pain na iniwan ng past, kayang burahin ng future.
 
Andun pa din yun, nag-evolve lang.
 
Anyway, masakit na ang kamay ko kaka-type kaya hanggang dito na lang. Ito na yata ang isa sa pinakamahabang post ko ever. Hirap talaga pag maraming oras na walang ginagawa, hindi ako sanay. Kapag may naisip pa ako ulit...na sana hindi masyadong mais...ipo-post ko na lang. Salamat sa pagtitiyaga. Pasensiya na kung naumay ka. Don't worry minsan lang 'to.

0 comments:

  • Post a Comment