vote-o
Kung ang...
-Kung ang pagboto ay parang Facebook,mag-ingat ka sa sa sasalihan mong grupo,hindi lahat ng samahan ay totoo at hindi lahat ng totoo ay may samahan. Ang pagboto ay hindi parang wall mo na kaya mong pamahalaan ang lahat.Ang katotohanan nito ay isang araw ka lang maaring mamahala----at iyon ay sa pagpili ng gobyernong gusto mo. Huwag ka ring komento nang komento. Dahil wala nang mas nakakairita pa sa taong ginagawang hobby ang magkipagtalastasan sa mga bagay na hindi naman niya naiintindihan. Hindi naman masamang maging mangmang, huwag mo lang sanang ipangalandakan.
-Kung ang pagboto ay parang Friendster,hindi nangangahulugan na antigo ka na at wala ka sa uso. Minsan mas mabuting nang manatili sa mga bagay nakasanayan kung sa tingin mo ay hindi pa oras ng pagbabago. Pero kung ang komportable para sa iyo ay kabaliktaran sa ibang tao,hindi rin masamang mag-isip at magbagong-anyo.
-Kung ang pagboto ay parang Twitter,mas madali sana at hindi kumplikado. Hanapin mo lang ang taong nais mong subaybayan at payagan ang mga taong nais sumubaybay sayo. Walang laro,walang mga grupo.Lahat ay pawang butil ng sarili mong kaisipan o kaisipan ng mga taong may halaga sa'yo.
-Kung ang pagboto ay parang Blogger,dapat ay maging maingat sa desisyon. Ariin mo mang sa'yo ang boto mo ay may reponsibilidad ka pa rin sa mga mamamayang maaaring maging apektado. Hindi ka man mahirang na bayani ng mga tao,bayani ka naman ng sarili mong paniniwala at di mahak na mas mahalaga ito.
Kaya kung ang pagboto ay parang facebook na parang friendster na parang twitter na parang blogger----huwag kang post ng post, isipin mo na nag bawat ilalagay mo sa balota ay repleksiyon ng iyong sarili at ng iyong mga prinsipyo.
P.S. Kung wala kang bilib sa mga pakulo mga social networking sites o sa mga kandidatong nagpapakulo ng dugo mo...ayos lang ang hindi bumoto. Hindi batayan ng pagka-Pilipino ang dami ng pulitikong naihalal sa tulong mo.At hindi ka kailanman maaring husgahan ng iba dahil lang dito.


0 comments:
Post a Comment